alright... welcome to my 2nd blog... hmm... this time, we are asked to talk about "if i were to be a famuous personality, i would be..." hmm.. teka, teka pwede pala managalog dito, haha, ayan mas madali magpaliwanag, haha, ang hirap magdecide... andami ko kse idol. well, i have a lot of choices pero kailangan talaga magdecide kng cnu, cge papakita ko sa inyo ang mga choices ko kng cnu gsto ko maging.(pasensya kung puro local) haha. tska babawi din ako kasi pangit ung unang blog ko, haha
a.)rico blanco- formerly of rivermaya(keyboards, guitarist and vocalist)baket? ang galing nea magcompose ng songs, very versatile xa, ung mga lyrics na gwa nea punong puno ng sensitivity, ang galing nea, noong nasa rivermaya pa siya, halos siya na lahat ng nag compose ng mga songs, ngayon,may solo career na siya, pinagpapatuloy nea parin ung paggawa nea ng mga kantang ayos, cguro naman, kita niyo kung gaano kalaki siyang kawalan sa rivermaya, mas maganda pa ang mga gawa niyang kanta kaysa sa mga nandoon sa banda nea dati.
b.)chito miranda- vocalist of parokya ni edgar, bakit? isa siya sa mga taong punong puno ng sense of humour, kung mapapanood mo siya ksama ng buong tropa ng live, pagkatapos nun, sigurado punong puno ng kabag ung tiyan mo kakatawa, kahit di ganoon kaganda yung boses niya, kuha padin nea yung mga pilipino sa lyrics nea, nung bata ako, sila talaga ung isa sa mga unang bandang natripan ko, kse ang kulit tlga nung mga lyrics nila.
c.)francisco "bamboo" mañalac- former vocalist ng rivermaya, vocalist of bamboo, bakit? siguro kung di dahil sa boses niya, di sisikat yung mga lumang kanta ng rivermaya at pati na rin ang mga kanta ng bamboo, siya ung naglagay ng kaluluwa sa mga kanta ng mga banda niya. Ang galing niya kumanta eh, lahat ng genre, kaya niyang i take on gamit yung boses nea, siya ung ultimate rock star pagdating sa mga stage antics nea, iba tlaga ung energy nea once na mag turn on ang lights sa stage.
d.)raimund marasigan- former drummer of eraserheads at ngayon keyboards at synths ng pedicab, drummer ng cambio at vocalist din ng sandwich, at madami pang at iba pa, hahaha bakit? o diba, simula palang andami na dahilan kung bakit gsto ko siya maging? sa tingin ko siya talaga yung taong di mauubusan ng gagawin, ansarap siguro mabuhay bilang siya, lahat ng ginagawa niya ineenjoy niya at gustong gusto nya talaga mga ginagawa niya, super versatile kasi siya, role model talaga siya sa mga kabataang tulad ko, siya talaga yung ultimate musician, magaling din magcompose, sa pilipinas, siya na siguro ung pinaka busy na musician, saludo ako sa kanya.
pero heto talaga ang choice ko...

e.)Eleandre "Ely" Basiño Buendia- former vocalist/guitarist ng Eraserheads, vocalist/guitarist naman ngayon ng bandang Pupil. hmmm. paano ko nga ba siya nakilala? halika, kwentuhan tayo.
dati, wla ako alam gaano sa music, siguro grade six or siguro mas bata pa, niyaya ako ng tatay kong magaral ng gitara,umayaw ako, di ako interesado noon eh, tsaka ang hirap ata nun, yun yung pananaw ko noon, so ayon kung ano-anong genre ng music ineexplore ko non, umabot na nga sa hip hop eh haha, tska halos sumasabay lang ako sa kung ano yung uso, ayon tapos heto na, dumating na ung 2nd year high school, tapos may narinig akong kanta habang nasa computer class kami(tumutugtog ang kantang "Magasin" ng Eraserheads, pinakinggan ko yung kanta, "wow" sabi ko, ang ganda ng kantang yun ah, so tinanong ko "Pre, sinong kumanta niyan" tapos sabi niya "Eraserheads" sabi ko "Ano Raisin Heads?(TANGA!TANGA!TANGA! hahaha)" (narinig ko na yung pangalan na yun pero ndi talaga ako sure kung ano yun) tinatawanan ko na ang sarili ko ngaun, tapos sbi nea "Pre, Eraserheads as in pambura-ulo" sbi ko "ohhh". tapos ayun, hindi din ako mahilig sa banda banda noon eh, so ayon dumating yung disyembre noon, bigla lang aq nayaya ng kaklase ko sa Paskuhan sa UST(hindi pa ko thomasian noon), hindi ko rin alam kung bakit ako sumama noon, siguro its divine intervention, haha,
tapos ayun, andun na kami, nagsimulang magsilapitan ung mga tao sa stage kse lalabas na yung banda, so ayun kme sumunod sa agos, tas tumugtog ung kantang "Nasaan Ka?", tapos ayon, tinanong ko sa kasama ko, "sino ba yang bandang yan? bakit nagsilapitan yung mga tao?" "Pupil pre, si Ely yan kaya nagsilapitan ung mga tao" "sinong Ely? Ely Soriano? ano toh dating daan?(TANGA!TANGA!TANGA!part 2)(oops, ok joke lng 2ng part na toh, erase, erase, erase)" haha. Ang totoong sabi ko "Ely?, sino yun" sbe nea "Ely Buendia dating vocalist ng eraserheads" "oh, wow, kea pala" , so ayun ung una kong pagkakakita kay Ely, tapos ayun sinabi ko nalang sa sarili ko, ireresearch ko paguwi ko kung anu yang Eraserheads na yan,
tapos ayun tumagal tagal dumami alam ko, sabi ko, wow, ang galing pala ng taong ito, siya nagcompose halos lhat ng mga kantang to, galing, simula noon, laging di na nawawala yung Eraserheads sa ipod ko, at siguro di narin lumipas ung isang araw ng di ko sila naiisip. ang gaganda pala ng mga kanta nila, bawat isang tao meh babagay na isang kanta ng eraserheads, so ayun dumating 3rd yr halos memoryado ko na mga sumikat na kanta nila,
tapos ayon, andami namin project nung 3rd year, isa na doon, ung gumawa ng music video, so ayon gagawa din kami ng sariling kanta, para yun sa math na subject namin, o diba anlayo? per, cool, tas ayon gumawa kami ng sariling kanta 2ngkol ata un sa buhay estudyante, tapos tinulungan ang grupo namin sa proj ng mg soon-to-be-bandmates kong magrecording ng kanta, tas ayon, nadiskubre nila, may tono pala ako kumanta, ayos tapos nxt week, niyaya nila ako sa jamming, tapos, ayon tuloy tuloy na, ngpapraktis na pala kami para sa battle of the bands, haha, so ayon, nag audition tapos pasok, ayun, nakipagbattle kme, tinugtog namin ung dirty little secret ng all american rejects tapos yung last song namin yung "Ang Huling El Bimbo" ng Eraserheads, whoo, saya, first tym ko kumanta noon sa harap ng maraming tao, khit di kami nanalo(alam ko namang d mangyayari yun dahil ako nga vocalist) haha, ansaya, maganda raw version namin nung kantang yun. tapos ayon bakasyon na, wala na akong magawa sa bahay, ayon, dahil sa boredom ay natripan kong mag aral ng gitara, "Ang Huling El Bimbo" ang una kong natutunan sa gitara, tapos ayun simula noon, kapag wala ako magawa, yoon nalang ang ginawa ko(kahit di ako gumagaling haha)
ang haba naman ng kwento ko dito, dapat tungkol keh Ely pala, nakalimot ako, so ayon, siya talaga ung filipino music icon para sakin, sya ung pinaka utak ng paburito kong banda, Ang Eraserheads, kung ilalagay ko dito lahat ng mga kantang pinauso nila at ikekwento ko, malamang aabutin ka hanggang bukas bago matapos pagbasa nito, so ayun si Ely din yung nagpasimula ng bandang ito, si Ely kase is one batch higher dun kay Raimund, Marcus at Buddy, nagpost siya sa dorm nila ng notice na nangangailangan siya ng band members, tapos ayon, si Raimund, Marcus at Buddy lang yung pumunta, so, ayun, originally daw, si Buddy ung drummer at si Raimund ung bassist pero later nadiskubre nilang parang mali ung tunog kea ayun nagpalit ng posisyon si raimund at buddy, tapos ayun, magwikipedia nlng nga kayo or magtanung nlang kayo sakin, haha lumipas ang maraming taon, nagquit si Ely sa eheads thru text sa taong 2003 "It's graduation time" sabi nea tapos ayun naghiwahiwalay na sila kanya-kanyang projects, etc. tapos 5 years after ulit, August 30, 2008, nagkita kita sila sa isang stage, un ung concert ng eheads na naputol, bute d aq nkapunta nun, haha, tapos ayun, xmpre diba bitin yun, kaya ginawan nila ng part 2, at sa wakas, nkapunta din sa isang concert ng Eraserheads, yehey! March 7, 2009, wooh, kahit namromrooblema na ako sa Physics ne2, enjoy na enjoy talaga 2ng gabing ito, habang buhay talaga d q makakalimutan. So, bakit si Ely? ayan o anghaba ng sagot ko,kung ako naging siya, ansarap siguro non, maraming tao natouch dahil sa mga kanta sinulat niya, isa siya sa mga dahilan kung bakit nauso ang mga banda sa pilipinas, at basta andami dami daming dahilan, haha, o cge ok na ok na cguro 2ng blog na 2, salamat sa pagbasa...